^
SBP âdi sinusukuan si Clarkson na maging Gilas local player
SBP president Al Panlilio
STAR/ File

SBP ‘di sinusukuan si Clarkson na maging Gilas local player

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - April 19, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi pa rin bumibitiw ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa pagsuyo sa FIBA para luwagan ang eligibility rule sa mga dual-citizen players na nagnanais maging mi-yembro ng national team.

Aminado si SBP president Al Panlilio na hindi ito magiging madali dahil binubuo ang FIBA ng 120 miyembro na kailangang sumang-ayon sa planong pagaanin ang requirements para sa mga players na may dual-citizenship.

“When you talk to FIBA, although it has a negative impact on the Philippines, they’re really looking at 120 countries where they have to find a solution on an issue that happened many years ago,” ani Panlilio.

Gayunpaman, kung magiging matagumpay ang SBP, pangunahing makikinabang dito si NBA star Jordan Clarkson ng Utah Jazz.

Sa kasalukuyang regulasyon ng FIBA, kailangang makakuha ng passport ang isang player sa edad na 16-anyos kung nais nitong maging bahagi ng national team ng isang bansa.

Dahil kung hindi, itutu-ring ito ng FIBA bilang isang naturalized player.

Isang naturalized player lamang ang puwedeng isama sa lineup tuwing sasabak sa anumang FIBA-sanctioned tournaments.

“We’re working very hard on that rule. Sec-Gen Andreas (FIBA secretary general Andreas Zagklis) is very aware of that issue with us, and we’ve been communicating-- not formally,” ani Panlilio.

Maliban kay Clarkson, naturalized player din ang estado nina dating Gilas Pilipinas players Chris Ross, Stanley Pringle at Christian Standhardinger.

Matatandaang nakapaglaro na sina Ross, Pringle at Standhardinger sa Gilas Pilipinas noong 2019 Southeast Asian Games bilang local players gayundin si Clarkson na nasilayan na sa aksiyon suot ang Gilas jersey noong 2018 Asian Games.

Ngunit magkaiba ang requirements sa SEA Games at Asian Games kung saan tanging Phi-lippine passport lamang ang kailangang ipresenta para opisyal na maging miyembro ng Team Philippines hindi tulad ng FIBA na may age requirement sa acquisition ng passport.

Nagpakita si Clarkson ng passport na nakuha nito bago pa man ito tumuntong sa age requirement ngunit pinagdududahan ito ng FIBA

FIBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with