^
Lakers nahirapan sa Utah
Andre Drummond
AFP

Lakers nahirapan sa Utah

(Pilipino Star Ngayon) - April 19, 2021 - 12:00am

LOS ANGELES, Philippines — Naisuko man ng nagdedepensang Lakers ang itina-yong 14-point lead sa fourth period ay humataw naman sila sa overtime para talunin ang Utah Jazz, 127-115.

Kumolekta si center Andre Drummond ng 27 points kasunod ang tig-25 markers nina Dennis Schröder at Kentavious Caldwell-Pope para sa Los Angeles (35-22).

Pinamunuan ni Fil-Am Jordan Clarkson ang Utah (42-15) sa kanyang 27 points habang may season-high 20 markers si Ersan Ilyasova at naglista ng 20 points at career-high-tying 14 assists si Joe Ingles.

Naglaro ang NBA-leading Jazz na wala sina injured starters Donovan Mitchell, Mike Conley at Rudy Gobert.

Isinalpak ni Schröder ang panablang layup sa huling tatlong segundo ng regulation para ihatid ang Lakers sa overtime, 110-110, kung saan sila umiskor ng 17 points.

Sa Milwaukee, umiskor si Grayson Allen ng 26 points tampok ang pitong triples para ihatid ang Memphis Grizzlies (29-26) sa 128-115 panalo sa Bucks (35-21).

Sa Phoenix, nagtala si Rudy Gay ng 19 points at nagsumite si Drew Eubanks ng 13 points at 13 boards para sa 111-85 pagpapalubog ng San Antonio Spurs (27-28) sa Suns (40-16).

Sa Boston, humataw si Jayson Tatum ng 44 points at nagsalpak si Kemba Walker ng triple sa huling 24 segundo para pamunuan ang 119-114 tagumpay ng Celtics (31-26) sa Golden State Warriors (28-29).

Sa Washington, ipinoste ni Russell Westbrook ang kanyang ika-25 triple-double sa season at may 37 points si Bradley Beal para sa 121-100 pagdurog ng Wizards (23-33) sa Detroit Pistons (17-40).

Kumolekta si Westbrook ng 15 points, 14 rebounds at 11 assists.

UTAH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with