^

Ramirez, Fernandez nabakunahan na

Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - April 19, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi na mangangamba sa kanilang kaligtasan sina Philippine Sports Commission (PSC) chairman William ‘Butch’ Ramirez at Commissioner Ramon Fernandez.

Nabakunahan na ng Sinovac sina Ramirez at Fernandez kamakalawa sa vaccination program ng Pasig City sa Mega Parking ng munisipyo.

Protektado na ngayon ang 70-anyos na si Ramirez at ang 67-anyos na si Fernandez, ang four-time Most Valuable Player ng Philippine Basketball Association (PBA), sa coronavirus disease (COVID-19).

Sina Ramirez at Fernandez, nananatili sa Philsports Complex sa Pasig City, ay kasama sa comorbidity prio-rity category ng Department of Health (DOH).

Pinasalamatan ng dalawang PSC top officials si Pasig City Mayor Vico Sotto.

Kumpiyansa sina Ramirez at Fernandez na mababakunahan din ang mga national athletes na lalahok sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan at sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

PSC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with