^

Balik sa E-Gilas ang korona

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - April 19, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Muling umangat ang bandila ng Pilipinas matapos mamayagpag ang E-Gilas Pilipinas sa FIBA Esports Open III Southeast Asia Conference kahapon.

Matikas na pinayuko ng E-Gilas ang Indonesia (2-0) sa best-of-three championship showdown upang matagumpay na maibalik sa Pilipinas ang korona.

Mainit na sinimulan ng E-Gilas ang serye nang kunin nito ang pukpukang 60-53 panalo sa Game 1. Muling rumatsada ang Pinoy squad nang irehistro nito ang kumbinsidong 44-36 pananaig sa Game 2 para makumpleto ang matamis na sweep sa finals.

Itinanghal na Most Valuable Player si Aljon “Shintarou” Cruzin matapos ang impresibong inilaro nito sa torneo.

Engrandeng tinapos ng E-Gilas Pilipinas ang kampanya nito bitbit ang malinis na baraha sapul noong eliminasyon.

Na-sweep ng Pinoy squad ang group stage matapos igupo ang Vietnam (78-40) at Maldives (124-30).

Nasikwat ng E-Gilas ang puwesto sa finals makaraang igupo nito ang Mongolia sa pamamagitan ng 2-0 demolisyon sa best-of-three semifinals. Sa kabilang banda, umusad sa finals ang Indonesia nang gapiin nito ang Vietnam, 2-0 sa hiwalay na best-of-three semis series.

Ito ang ikalawang korona ng Pilipinas sa torneo matapos pagharian ang unang edisyon ng FIBA Esports Open Southeast Asia Conference noong Hunyo nang talunin rin nito ang Indonesia sa finals.

E-GILAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with