^
E-Gilas Pilipinas diretso sa finals
E-Gilas Pilipinas during the 2020 FIBA Esports Open
STAR/ File

E-Gilas Pilipinas diretso sa finals

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - April 18, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasungkit ng E-Gilas ang 2-0 panalo sa best-of-three semifinals series para makasiguro ng tiket sa finals.

Unang pinayuko ng Pilipinas ang Mongolia sa Game 1 sa 95-35 desisyon kasunod ang 64-58 pananaig sa Game 2 ng serye.

Makakatipan ng Pilipinas sa best-of-three championship showdown ang magwawagi sa pagitan ng Vietnam at Indonesia na naglalaro sa hiwalay na semis match habang sinusulat ang balitang ito.

Nakatakda ang finals alas-5:30 ng hapon (oras sa Maynila).

Sa group stage, dalawang sunod na panalo ang naitala ng Pinoy ga-mers para hablutin ang top seed sa Group 1.

Hindi nakaporma sa E-Gilas ang Vietnam nang itarak nito ang 78-40 pa-nalo. Wala ring nagawa ang Maldives makaraang isalpak ng Pinoy squad ang impresibong 124-30 demolisyon.

Nagningning nang husto sa naturang mga laro si Aljon ‘Shintarou’ Cruzin na umiskor ng 54 kabuuang puntos galing sa 20-of-22 shooting clip tampok ang matikas na 13 three-pointers. Hataw pa ito ng 14 assists at limang steals.

Nakakuha ng sapat na suporta si Cruzin mula kay Custer Galas na nagre-histro ng 24 puntos, walong assists, tatlong rebounds at tatlong steals samantalang may double-double output na 13 points at 17 boards si Philippe Izzo Alcaraz.

Umabante ang Mongolia sa semis bitbit ang 1-1 baraha sa Group 2 kung saan natalo ito sa Indonesia (44-56) ngunit nakabawi nang payukuin nito ang Sri Lanka, 104-45.

Target ng Pinoy ga-mers na maibalik sa Pinas ang kampeonato matapos itong humulagpos sa kanilang kamay sa huling edisyon ng torneo.

E-GILAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with