^

Tuloy ang suporta ng PSC sa mga national teams

Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - April 18, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bagama’t apektado ng pandemya ang kanilang pondo ay todo-bigay pa rin ang Philippine Sports Commission (PSC) sa pagsuporta sa mga national athletes na tumatarget ng silya sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan.

Ang dalawang national team na binuhusan ng pondo ng sports agency para sa kanilang paglahok sa Olympic qualifying tournaments ay ang weightlifting at triathlon.

Nagbigay ang PSC ng P4.9 milyon sa mga national weightlifters, habang halos P1 milyon para sa mga national triathletes.

“It was never a question of supporting them or not because we will, as much as we can,” wika ni PSC chairman William ‘Butch’ Ramirez.

Ang nasabing pondo ay para sa paglahok ng national weightlifting team, pinamumunuan ni 2016 Rio de Janeiro Olympics silver medalist Hidilyn Diaz, sa Asian Weightlifting Championships sa Tashkent, Uzbekistan.

Ang P4.9 milyon ay para sa airfare, hotel accommodation, allowances at iba pang travel expenses ng mga national weightlifters para sa nasabing Olympic qualifying tournament.

Ang P1 milyon naman ay para kay Diaz at sa kanyang personal team na binubuo nina Chinese weightlifting coach Kaiwen Gao at strength and conditioning coach Julius Irvin Naranjo.

Kasama ni Diaz sa nasabing Asian meet sina 2020 IWF Online Youth World Cup gold medalist Vanessa Sarno, Roma World Cup podium finisher John Fabuar Ceniza, 2019 Southeast Asian Games gold medalist Kristel Macrohon, Elreen Ann Ando, Mary Flor Diaz, Margaret Colonia, John Dexter Tabique at Elien Rose Perez.

Lalahok ang triathlon team sa 2021 Asian Triathlon Championships sa Hatsukaichi, Japan sa Abril 23-25.

Kumpiyansa si Ra-mirez na may mga susunod pa kina pole vaulter Ernest John Obiena, gymnast Carlos Edriel Yulo at boxers Eumir Felix Marcial, Irish Magno, Nesthy Petecio at Carlo Paalam sa 2021 Tokyo Olympics.

PSC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with