^
Jaja Santiago nagpapatayo ng bahay
Jaja Santiago

Jaja Santiago nagpapatayo ng bahay

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - April 17, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Unti-unti nang nagbubunga ang pagsisikap ni Jaja Santiago na kasalukuyang may ipinapata-yong two-storey house na isa sa mga pangarap nito.

Hindi makapaniwala ang 6-foot-5 middle blocker na maipatatayo nito ang kanyang dream house na nasa 70 porsiyento na ang konstruksiyon.

Nais ni Santiago na magkaroon ng magandang resulta ang kanyang ginagawang sakripisyo sa paglalaro ng volleyball sa ibang bansa.

Miyembro si Santiago ng Saitama Ageo Medics na kamakailan lamang ay nagkampeon sa Japan V. League volleyball tournament.

“Kailangan kong mag-invest. ‘Yan ‘yung sinasabi ko noong nasa Japan pa ako. At masaya ako na nakikita ko na ‘yung pinaghirapan ko,” ani Santiago.

Elegante ang ipinapatayong bahay ni Santiago na may Scandinavian theme.

At malaking dahilan nito ang disenyong ginawa ni dating University of Santo Tomas middle blocker Jessey De Leon na isa nang licensed architect.

Masaya si Dindin Santiago-Manabat sa tagum-pay ng kanyang kapatid.

“Dati ang pangarap lang talaga namin makapaglaro ng volleyball, makapag-aral at makapagtapos. Hindi namin ini-expect ‘yung achievement ni Jaja na ganito,” ani Santiago-Manabat.

Babalik si Santiago sa Japan sa Agosto upang muling maglaro ng panibagong season sa Ageo Medics.

Ito ang ikaapat na season na masisilayan sa aksiyon si Santiago sa Japan V.League.

“Sobrang bait nila (Ageo Medics) sa akin saka napamahal na ako sa team ko. Sobrang supportive nila sa akin at masaya ako na nasa team ako,” ani Santiago.

JAJA SANTIAGO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with