^
PVL bubble training sa Subic o Clark

PVL bubble training sa Subic o Clark

(Pilipino Star Ngayon) - April 17, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isa sa Subic at Clark sa Pampanga ang tinitingnan ng Premier Volleyball League (PVL) na pagdarausan ng ‘bubble’ training ng mga koponan bilang paghahanda sa kanilang Open Conference.

Ito ay dahil sa kasalukuyang ipinatutupad na Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa NCR Plus nkaya hindi makapag-ensayo ang mga PVL teams.

Sakaling matuloy ang kanilang plano ay sinabi ni PVL president Ricky Palou na dapat sundin ng mga koponan ang health and safety protocols sa nasabing mga venue sa Pampanga.

Pinapayagan ang team practices sa mga venues na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) at modified GCQ (MGCQ).

Dahil sa pandemya, napilitan ang PVL na iurong ang kanilang maiden professional season sa Hunyo o Hulyo na lalahukan ng Creamline, Petro Gazz, Perlas Spikers, Choco Mucho, Bali Pure, Unlimited Athletes Club, Army, PLDT Fibr, Cignal, F2 Logistics, Chery Tiggo at Sta. Lucia Realty.

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with