^

PSC lalong naghigpit

Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - April 17, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Lalong hinigpitan ng Philippine Sports Commission (PSC) ang kanilang health at security protocols para mapigilan ang pagtaas ng kaso ng mga nagpopositibo sa coronavirus disease (COVID-19) sa kanilang mga empleyado.

Inutusan ni PSC chairman William ‘Butch’ Ramirez si PSC Executive Director Atty. Guillermo Iroy, Jr. na magpatupad ng mas istriktong protocols kasabay ng paglalatag ng isang QR code-based monitoring system para sa interaction tracing.

Kamakailan ay nagpatupad ang sports agency ng 10-workday lockdown sa kanilang administration offices sa Rizal Memorial Sports Complex sa Vito Cruz, Manila at sa Philsports Complex sa Pasig City.

Ito ay makaraang lumobo sa 63 ang mga COVID-19 positives sa kanilang mga empleyado.

Nauna nang ipinasara ng PSC ang RMSC at Philsports Complex ilang buwan matapos ang COVID-19 outbreak kung saan pinauwi nila ang mga national athletes at coaches sa kanilang mga probinsya.

“We sent all athletes home even before the imposition of the first lockdown last year,” ani Ramirez sa pagpapabakante nila sa naturang mga pasilidad na ginagamit ngayong “We Heal As One” centers.

Hinikayat ni Ramirez ang mga national athletes at National Sports Associations (NSAs) na sundin ang health and safety protocols para mapigilan ang pagsipa ng kaso ng mga COVID-19 positives.

PSC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with