^

May bala na si Yulo para makuha ang Olympic gold

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - April 17, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hinahasa na ni Carlos Edriel Yulo ang magiging alas nito sa Tokyo Olympics kaya puspusan na ang paghahanda ng reigning men’s floor exercise world champion upang masigurong magiging malinis ang performance nito na magdadala sa kanya tungo sa inaasam na gintong medalya.

Ikinuwento ni Gymnastics Association of the Philippines (GAP) president Cynthia Carrion na tinututukan ng husto ni Yulo ang triple backflip na naging armas nito upang masungkit ang gintong medalya noong 2019 FIG World Championships sa Stuttgart, Germany.

“If he does the triple backflip well, it’s a sure gold,” ani Carrion.

Pinangalanan ni Carrion si Russian world champion Nikita Nagornyy na isa sa pinakamatinik na karibal ni Yulo sa Tokyo Olympics.

Matatandaang nadismaya si Nagornyy nang bigo itong makumpleto ang malinis na triple backflip dahilan para mahulog ito sa ikaanim na puwesto.

“Nagornyy faltered (in that triple backflip) that opened the door for Caloy to win the gold,” ani Carrion.

Kaunti lamang ang nalahukang torneo ni Yulo sa nakalipas na taon dahil sa epekto ng pandemya.

Ngunit ikinatuwa ni Carrion ang magandang takbo ng training camp ng Pinoy gymnast sa Tokyo kung saan kasama nito sa training si world-class Japanese coach Munehiro Kugimiya.

Madalas ay nakakasabay din ni Yulo sa ensayo ang mga Japanese gymnasts na posible nitong makalaban sa Tokyo Olympics.

Para manatiling ligtas at malusog ito bago ang Tokyo Olympics, maingat si Yulo sa health protocols.

Matapos ang Tokyo Olympics, babalik sa Pilipinas si Yulo para makasama ang national team sa paghahanda para naman sa 2021 Southeast Asian Games na idaraos sa Hanoi, VIetnam sa huling bahagi ng taon.

Nakatakdang magtapos ng associate degree si Yulo sa Teikyo University sa Setyembre na inaasa-hang ipagpapatuloy niya sa susunod pang dalawang taon para makuha naman ang bachelor’s degree.

CARLOS EDRIEL YULO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with