^
SEAG team training inaayos na ng PSC at POC
Ramon Fernandez
STAR/ File

SEAG team training inaayos na ng PSC at POC

Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - April 16, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Aligaga na ang Philippine Sports Commission (PSC) at ang Philippine Olympic Committee (POC) para sa pagbabalik-ensayo ng mga national athletes na sasabak sa 31st Southeast Asian Games.

Hanggang ngayon ay ipinagbabawal ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga team training sa NCR Plus bubble sa harap ng pagsipa ng mga COVID-19 positive cases sa bansa.

Umaasa si PSC Commissioner at Team Philippines Chef De Mission Ramon Fernandez na masisimulan na ang full training ng mga atleta sa Hulyo 1 kung kailan posibleng mayroon nang COVID-19 vaccines ang mga ito.

“The joint secretariat for the SEAG are carefully working on the SEAG plan,” sabi kahapon ni Fernandez sa kanilang pulong ni POC president at Tagaytay City Congressman Abraham ‘Bambol’ Tolentino.

Nauna nang sinabi ni Fernandez na magpapatupad ang PSC at POC ng “no vaccine, no training” policy kung hindi bababa ang mga kaso ng COVID-19 positives sa mga susunod na linggo.

Ang ‘bubble’ training ang isang opsyon na tinitingnan ng PSC kung saan hihingin nila ang tulong ng mga Local Government Units (LGUs) para ampunin at gastusan ang mga national teams.

“We still have time to talk to the LGUs,” wika ni Fernandez. “Ito ay para sa Inang Bayan at para sa atletang Pilipino.”

Inilagay ni Ormoc City Mayor at fencing president Richard Gomez ang mga national fencers sa isang training camp sa kanyang probinsya habang nagsasanay naman ang mga archers sa Dumaguete City at ang mga weightlifters sa Zamboanga City.

Kukunin naman ni Tolentino, ang pangulo ng cycling federation, ang mga national skateboarders at cyclists sa Tagaytay City para paghandaan ang 2021 Vietnam SEA Games na idaraos sa Nobyembre 21 hanggang Disyembre 2.

Gumastos ang PSC ng P21 milyon para sa three-month ‘bubble’ training ng mga national boxers, karatekas at taekwondo jins sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.

PSC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with