^

PSN Palaro

PBA players dismayado sa ‘pambababoy’ sa laro

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Binatikos ng ilang PBA players at coaches ang umano’y “pambababoy” ng ilang players sa kasalukuyang VisMin Super Cup na naka-bubble setup sa Alcantara, Cebu.

Nanguna sa listahan ng mga pumuna si NLEX player Kiefer Ravena na lubos na nalungkot sa pambabastos sa sport na nagsisilbing kabuhayan ng maraming players.

“Sad to see people/players playing the sport that gives livelihood to a lot of athletes. Wish they could treat it with respect and integrity,” ani Ravena sa kaniyang Twitter post.

Hindi rin maitago nina San Miguel guard CJ Perez, Magnolia Hotshots star Paul Lee, Magnolia veteran Marc Pingris, Bacon Austria, Robert Bolick at Gilas Women standout Jack Animam ang kanilang pagkadismaya.

Nakiisa rin sina Mighty Sports coach Charles Tiu at coach Allan Gregorio sa mga bumatikos.

“Binababoy niyo ang laro. Mara-ming player ang nawalan ng trabaho ngayong pandemic at gustung-gustong maglaro, kayo ‘yung mga pinagpala para makapaglaro tapos ganyan. Hindi ako perfect sa laro pero madaming questionable dito para sakin,” ani Lee.

Nag-ugat ang lahat nang mapansin ang kakaibang laro sa pagitan ng Lapu-Lapu at Siquijor noong Miyerkules kung saan kitang-kita ang lantarang “sablay” na tira kabilang na ang isang wide-open layup na namintis pa ng isang player.

Lumutang pa ang videos ng sad-yaang pagmintis sa free throw ng ilang players na tila pinaglalaruan lamang ito kung saan sa unang tira ay kaliwa ang gamit habang sa ikalawang attempt, ay kanan naman ang gamit.

Kaya naman napaulat na nagdesis-yon ang pamunuan ng liga na itigil ang laban para imbestigahan ang posibleng game-fixing issue.

“Seeing this video just infuriates me. I mean seriously? Respect the game. Being given a chance to make a living during this pandemic when people are jobless should not be taken for granted,” ani Tiu.

vuukle comment

CEBU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with