^
PBA, PVL teams bawal pa ring mag-ensayo
Dahil nasa MECQ ang NCR plus bubble, hindi pa rin maaaring makapag-ensayo ang lahat ng professional teams sa PBA at PVL.

PBA, PVL teams bawal pa ring mag-ensayo

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - April 13, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mananatili sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang nasa loob ng NCR plus bubble — bagay na hindi magandang balita para sa Philippine Basketball Association (PBA) at Premier Volleyball League (PVL).

Dahil nasa MECQ ang NCR plus bubble, hindi pa rin maaaring makapag-ensayo ang lahat ng professional teams sa PBA at PVL.

Nakasaad sa bagong patakaran na inilabas ng Inter-Agency Task Force (IATF) na ipinagbabawal pa rin ang anumang sports activities gaya ng scrimmages, contact sports, games at iba pang aktibidad sa indoor at outdoor.

“Outdoor sports courts or venues for contact sports, scrimmages, games or activities; indoor sports courts or venues, fitness studios, gyms, spas and other indoor leisure centers or facilities and swimming pools,” ayon sa listahan ng mga bawal sa IATF ruling.

Kaya naman inaasahang muling maaatras ang opening ng PBA Season 46 Philippine Cup na orihinal na nakatakda sa Abril 18.

Nauna namang iniurong ng PVL ang pagbubukas ng Open Conference mula sa dating May opening sa bagong June schedule.

Maaari lamang mag- workout ang mga players sa kani-kaniyang tahanan.

Isa sa requirements ng PBA teams ang magkaroon ng scrimmages ang kanya-kanyang koponan dalawang linggo bago ang pagbubukas ng liga.

Sa kabilang banda, dalawang buwan na ensayo ang target ng PVL na ibigay sa mga teams nito dahil mahigit isang taong natengga ang volleyball community.

Ipinaliwanag ng mga team owners na kailangan ng mahabang panahon upang maibalik ang kundisyon ng mga players.

Mananatiling nasa MECQ ang buong NCR plus bubble hanggang sa katapusan ng buwan.

Kaya naman pinag-aaralan na ng PBA kung muli itong kakagat sa magastos na bubble setup upang maidaos ang Philippine Cup.

Matatandaang matagumpay na nairaos ng liga ang Season 45 Philippine Cup sa bubble setup noong nakaraang taon sa Clark, Pampanga subalit umabot sa halos P70 milyon ang nagastos dito .

Magiging problema pa ang scheduling dahil naka-reserve na ang Clark bubble sa Hunyo 16 hanggang 20 para sa FIBA Asia Cup Qualifiers.

May 12 koponan mula sa Group A, B at C ang papasok sa bubble.

PBA PVL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with