^
10-day lockdown ang PSC
Inaprubahan kahapon ng Malacañang ang request ng sports agency na magpatupad ng 10-day lockdown sa kanilang administration offices sa Rizal Memorial Sports Complex sa Vito Cruz, Manila at sa PhilSports Complex sa Pasig City.

10-day lockdown ang PSC

Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - April 13, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Lumobo sa 63 ang mga empleyado ng Philippine Sports Commission (PSC) na nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19).

Inaprubahan kahapon ng Malacañang ang request ng sports agency na magpatupad ng 10-day lockdown sa kanilang administration offices sa Rizal Memorial Sports Complex sa Vito Cruz, Manila at sa PhilSports Complex sa Pasig City.

Magsasagawa ang PSC ng disinfection at cleansing sa mga nasabing opisina sa loob ng 10 araw.

Noong Marso ay 18 PSC personnel pa lamang ang nagpositibo sa COVID-19 habang 91 ang pinag-quarantine matapos makasalamuha ang mganagkasakit na kawani.

“We are still waiting for some test results and we are hoping that we do not add any more positives, “ ani PSC Chief of Staff Marc Velasco.

Tuluy-tuloy naman ang operasyon ng PhilSports Complex, Rizal Memorial Coliseum at Ninoy Aquino Stadium bilang mga qua-rantine facilities at swab testing centers sa ilalim ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Kasalukuyang naninirahan at nagtatrabaho sa Philsports Complex si PSC chairman William ‘Butch’ Ramirez kasama ang iba pang PSC Commissioners.

Ipinag-utos na ni Ramirez ang pagsasagawa ng contact tracing para malaman kung ilan pa nilang empleyado ang dapat mag-quarantine.

Isang 15-man skeletal workforce ang binubuo ni PSC Executive Director Atty. Guillermo Iroy para sa kanilang pang araw-araw na operasyon at pangangalaga ng RMSC at PhilSports Arena.

Ginagawa ng iba pang empleyado ang kanilang mga trabaho via work from home scheme para hindi maantala ang paglalabas ng suweldo ng mga kawani at allowances ng mga national athletes.

Dahil sa pagla-lockdown sa RMSC at PhilSports Complex at quarantine status sa ‘NCR Plus’ ay hinikayat ni PSC Commissioner Ramon Fernandez ang mga national sports associations (NSAs) na naghahanda para sa 31st Southeast Asian Games na maghanap ng ibang lugar para makapagdaos ng kanilang training camps.

Si Fernandez ang tumatayong Chef De Mission ng Team Philippines para sa 2021 SEA Games sa Hanoi, Vietnam sa Nob-yembre.

PSC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with