^
Celtics inawat ang Nuggets

Celtics inawat ang Nuggets

(Pilipino Star Ngayon) - April 13, 2021 - 12:00am

DENVER — Tinapos ng Boston Celtics ang eight-game winning streak ng Nuggets matapos angkinin ang 105-87 tagumpay sa likod ng 28 points ni Jayson Tatum.

Nagdagdag si Jaylen Brown ng 20 markers para sa Boston (28-26) na bumangon mula sa 65-79 pagkakabaon sa dulo ng third period para resbakan ang Denver (34-19).

Pinangunahan ni Michael Porter Jr. ang Nuggets sa kanyang 20 points habang kumolekta si Nikola Jokic ng triple-double na 17 points, 11 assists at 10 rebounds.

Sa Orlando, umiskor si Khris Middleton ng 21 points at may 16 markers si Bobby Portis para banderahan ang Milwaukee Bucks (33-20) sa 124-87 paggiba sa Magic (17-36).

Winakasan ng Bucks ang kanilang three-game losing skid bagama’t hindi naglaro si Giannis Antetokounmpo na may namamagang kaliwang tuhod.

Sa Los Angeles, humataw si Paul George ng 32 points para akayin ang Clippers (37-18) sa 131-124 paggupo sa Detroit Pistons (16-38).

Sa Dallas, isinalpak ni DeMar DeRozan ang tiebreaking jumper sa huling 0.5 segundo at tumapos na may 33 points para sa 119-117 paglusot ng San Antonio Spurs (25-26) sa Mavericks (29-23).

Sa Charlotte, kumamada si Bogdan Bogdanovic ng 32 points tampok ang career-high na walong tres para sa 105-101 pagdaig ng Atlanta Hawks (29-25) sa Hornets (27-25).

Sa Portland, tumipa si Bam Adebayo ng 22 points at may 20 markers si Jimmy Butler para sa 107-98 paggulat ng Miami Heat (28-25) sa Trail Blazers (31-22).

NBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with