^

Eala No. 662 na sa WTA ranking

Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - April 13, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa pagsisimula ng 2021 ay nasa No. 1185 si Pinay tennis phenom Alex Eala sa listahan ng Women’s Tennis Association (WTA).

Kahapon sa pinakabagong WTA rankings ay umakyat ang ranggo ng junior tennis standout sa No. 662 mula sa pagiging No. 715 noong nakaraang linggo.

Ito ay base na rin sa magandang inilaro ng 15-anyos na Pinay netter sa W60 Bellinzona tournament sa Switzerland kung saan nakapasok siya sa round-of-16.

Sa kanyang unang $60,000 International Tennis Federation (ITF) tournament sa Bellinzona ay pinatalsik ni Eala sina WTA No. 323 Margot Yerolymos ng France, 7-6 (6), 6-2 sa first round at WTA No. 206 Laura-Ioana Paar ng Romania, 6-7 (6), 6-1, 6-0 sa second round.

Subalit pagdating sa round-of-16 ay nakalasap ang iskolar ng Rafael Nadal Academy ng 5-7, 6-3, 2-6 pagkatalo kay WTA No. 284 Simona Waltert ng Switzerland.

Target ni Eala ang ikalawa niyang pro title matapos magwagi sa W15 Manacor event noong Enero sa Spain.

Walong bigating torneo, kasama ang prestihiyosong Miami Open na nagbigay sa kanya ng wildcard entry, ang nasalihan ni Eala.

ALEX EALA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with