^

De los Santos 14-gold medals na

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - April 13, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patuloy ang pamamayagpag si World No. 1 Orencio James De Los Santos nang muli nitong masungkit ang gintong medalya sa third leg ng Katana Intercontinental League kahapon.

Hindi makaporma si Domont Matias Moreno ng Switzerland kay De Los Santos matapos irehistro ng Pinoy champion ang 27.40-26.38 panalo sa finals ng men’s individual kata seniors.

Ito ang ikalawang sunod na pagtutuos nina De Los Santos at Matias sa gold medal match.

Umabante sa finals si De Los Santos makaraang mangibabaw sa Pool 2 tangan ang 25.0 puntos.

Pinataob ng two-time Southeast Asian Games bronze medalist sa pool stage sina Alfredo Bustamante ng Amerika (24.12), Johnsen Cornelius ng Norway (23.82) at Remi Bonneau ng France (22.00).

Sa kabuuan, ito ang ika-14 gintong medalya ni De Los Santos sa taong ito.

“I realized that in addition to last year’s medal haul, I’ve already reached an overall total of 50 gold medals from competiong virtually. On to more,” ani De Los Santos.

Namamayagpag pa rin si De Los Santos sa world ranking hawak ang No. 1 spot matapos makalikom ng 24,485 puntos. 

JAMES DE LOS SANTOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with