^
Unanimous win kay Ancajas
Jerwin Ancajas
STAR/ File

Unanimous win kay Ancajas

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - April 12, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasikwat ni International Boxing Federation (IBF) super flyweight champion Jerwin Ancajas ang kumbinsidong unanimous decision win kay Mexican Jonathan Rodriguez upang matikas na madepensahan ang titulo nito kahapon sa Mohegan Sun Arena sa Uncasville, Connecticut.

Pumabor sa Pinoy champion ang tatlong hurado na nagtala ng 115-112, 116-111 at 117-110 desisyon.

Ngunit inamin ni Ancajas na naramdaman nito ang lakas ni Rodriguez.

At itinuturing nitong isa si Rodriguez sa pinakamatinding nakalaban niya sa kanyang siyam na title defense.

“Sa siyam na title defense ko, si Rodriguez talaga ‘yung pinakamalakas dahil nandun din ‘yung puso niya sa laban at alam ko na pinaghandaan niya talaga ako,” kuwento ni Ancajas.

Napaganda ni Ancajas ang rekord nito sa 33-1-2 win-loss-draw tampok ang 22 knockouts habang nahulog si Rodriguez sa 22-2 (16 KOs).

“Masaya ako na nakuha ko ‘yung panalo dahil nagbunga ang lahat ng sakripisyo namin, nagawa namin ng maayos ‘yung game plan at naipanalo ‘yung laban. Malaking reward ito para sa amin,” ani Ancajas.

Sa Compubox, nagrehistro si Ancajas ng 131 body punches laban sa 44 lamang ni Rodriguez habang nakaungos din ang Panabo Davao del Norte pride sa jab na may 56 laban sa 20 ng Mexican fighter.

Malakas ang kamao ni Rodriguez na nagsumite ng 253 power punches laban sa 176 ni Ancajas.

Pinakamaningning ang eighth round para sa Pinoy pug nang pakawalan nito ang right shot para mapabag-sak si Rodriguez.

Subalit hindi nawalan ng pag-asa si Rodriguez na mas naging agresibo sa mga sumunod na rounds matapos samantalahin ang tila pagod nang si Ancajas.

Naging dominante si Rodriguez mula 10th-round hanggang sa dulo subalit hindi ito sapat para makuha ang boto ng mga hurado.

Samantala, nasikwat ni Mark Magsayo ang fourth round knockout win laban kay Pablo Cruz sa undercard ng Premier Boxing Champions: Ennis vs Lepinets upang manatiling malinis ang kanyang pro boxing record.

Ito ang ika-15 knockout win ni Magsayo sa 22 pagsalang nito.

IBF
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with