_ngayon
^
LA Lakers nirapido ang Brooklyn Nets
Andre Drummond
AFP

LA Lakers nirapido ang Brooklyn Nets

(Pilipino Star Ngayon) - April 12, 2021 - 12:00am

NEW YORK - Humakot si center Andre Drummond ng 20 points at 11 rebounds habang may 19 markers si Dennis Schroder para sa 126-101 pagrapido ng nagdedepensang Los Angeles Lakers sa Brooklyn Nets.

Hindi naglaro para sa Lakers (33-20) sina superstars LeBron James (right ankle sprain) at Anthony Davis (right calf strain) at wala sa line-up ng Nets (36-17) si James Harden (strained right hamstring).

Hawak ang 66-62 abante, nasibak sa laro ang nagkagiriang sina Schroder ng Lakers at Nets star guard Kyrie Irving sa 9:41 minuto ng third quarter.

Matapos ang nasabing ejections ay nagpakawala ang Los Angeles ng 15-2 atake para ibaon ang Brooklyn sa 88-71.

Sa Salt Lake City, dumiretso ang Utah Jazz (40-13) sa kanilang franchise-record home winning streak na 24 games nang kunin ang 128-112 panalo sa Sacramento Kings (22-31).

Humugot si Donovan Mitchell ng 14 sa kanyang season-high 42 points sa fourth period para banderahan ang Jazz laban sa Kings.

Sa Oklahoma City, tumipa si center Joel Embiid ng 27 points sa 117-93 paggupo ng Philadelphia 76ers (36-17) sa Thunder (20-33).

Sa Phoenix, kumamada si Devin Booker ng 27 points para banderahan ang Suns (37-15) sa 134-106 pagsunog sa Washington Wizards (19-33).

Sa San Francisco, umiskor si Stephen Curry ng 23 sa kanyang 38 points sa third quarter para igiya ang Golden State Warriors (25-28) sa 125-109 panalo sa Houston Rockets (14-39).

BROOKLYN NETS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with