^
Orcollo kumopo ng 3-titulo sa Alabama Iron City Open
Dennis Orcollo
STAR/ File

Orcollo kumopo ng 3-titulo sa Alabama Iron City Open

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - April 12, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Winalis ni dating world champion Dennis Orcollo ang lahat ng tatlong titulo sa 2021 Iron City Open na ginanap sa Iron City Billiards sa Birmingham, Alabama sa Amerika.

Pinagharian ni Orcollo ang One Pocket, 9-Ball at 10-Ball events matapos pataubin ang kanyang mga karibal sa naturang events.

Unang umariba si Orcollo sa One Pocket matapos dispatsahin ang kababayan nitong si Warren Kiamco sa finals sa bendisyon ng 7-4 panalo.

Napasakamay ni Orcollo ang tumataginting na $10,100 top purse habang hindi naman umuwing luhaan si Kiamco na mayroong $5,050 konsolasyon.

Hindi nagpaawat si Orcollo nang muli itong umariba sa 9-Ball event. Kinailangan nitong magbanat ng buto at gamitin ang malalim na karanasan bago itakas ang dikdikang 13-12 panalo kay Devin Poteet ng Amerika sa finals.

Naibulsa ni Orcollo ang $5,000 papremyo samantalang nagkasya lamang sa $2,200 runner-up purse ang American bet.

Tinapos ni Orcollo ang impresibong run nito sa Iron City Open makaraang pagharian ang 10-Ball event para sa karagdagang $3,200 papremyo.

Muling tinalo ni Orcollo sa finals si Kiamco sa pamamagitan ng 9-8 desisyon.

DENNIS ORCOLLO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with