^

SBP abala na sa paghahanda sa FIBA bubble

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - April 12, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tuluy-tuloy ang preparasyon ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) para matiyak ang tagumpay ng bansa sa hosting ng FIBA Asia Cup Qualifiers final window sa Hunyo 16 hanggang 20 sa Clark, Pampanga.

Hangad ni SBP chairman emeritus Manny V. Pangilinan na masigurong ligtas ang lahat upang matagumpay na maitaguyod ang qualifiers sa kabila ng nakaambang problema dulot ng coronavirus disease (COVID-19).

Kaya naman pinaplantsa na ng SBP ang lahat kabilang na ang magi-ging schedule partikular na sa paghahati-hati sa oras para sa training ng bawat team sa Angeles University Foundation gym sa Angeles, Pampanga.

Sa inilabas na anunsiyo ng FIBA kamakailan, idaraos sa Clark bubble ang mga laro ng Group A, Group B at Group C na binubuo ng 12 koponan.

Subalit sanay na ang SBP sa ganitong sitwasyon dahil kaakibat nito sa hosting ng qualifiers ang PBA na parehong may 12 teams din nang gamitin ang Clark bubble setup noong nakaraang taon para sa Phi-lippine Cup.

Nakatakdang dumating sa Pilipinas ang South Korea, Thailand at Indonesia na makakasama ng Gilas sa Group A gayundin ang Group B teams na China, Chinese-Taipei, Japan at Malaysia, at Group C teams na binubuo ng Australia, New Zealand, Guam at Hong Kong.

Bukod sa scheduling, inaayos na rin ng SBP ang magiging quarantine protocols sa oras na dumating ang mga delegado sa Pilipinas.

Kabilang na rito ang proseso sa swab test at kung ilang araw kailangang mag-quarantine ang bawat team bago tuluyang makapag-ensayo.

Para sa mga foreign delegates na darating, ang qurantine period  ay ibabase sa protocols ng Inter-Agency Task Force (IATF) depende sa estado ng coronavirus disease (COVID-19) sa Hunyo.

Sa kasalukuyan, mahigpit ang IATF sa pagpapatupad ng quarantine protocols dahil sa paglobo ng bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19.

Posibleng maging direct flight sa Clark International Airport ang entry point ng mga delegado na ‘di hamak na mas malapit sa Clark bubble kumpara sa Ninoy Aquino International Airport sa Pasay City. 

SBP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with