^
Jokic itinala ang ika-54 career triple-double
Nikola Jokic
STAR/ File

Jokic itinala ang ika-54 career triple-double

(Pilipino Star Ngayon) - April 11, 2021 - 12:00am

DENVER — Ipinoste ni center Nikola Jokic ang kanyang ika-54 career triple-double sa tinapos na 26 points, 14 assists at 13 rebounds para sa 121-119 pag-eskapo ng Nuggets sa San Antonio Spurs.

Nagdagdag si Michael Porter Jr. ng 22 points at may 21 markers si reserve Monte Morris para sa Nuggets (34-18).

Pinamunuan ni Derrick White ang Spurs (24-26) sa kanyang 25 points.

Sa Los Angeles, humataw si Kawhi Leonard ng 31 points at may 26 markers si Reggie Jackson para banderahan ang 126-109 panalo ng Clippers (36-18) sa Houston Rockets (14-38).

Sa New Orleans, humugot si Zion Williamson ng 14 sa kanyang 37 points sa fourth quarter sa 101-94 tagumpay ng Pelicans (23-29) sa Philadelphia 76ers (35-17).

Sa Milwaukee, umiskor si Miles Bridges ng 26 points para banderahan ang Charlotte Hornets (27-24) sa 127-119 paggiba sa Giannis Antetokounmpo-less Bucks (32-20).

Sa Boston, humataw si Jayson Tatum ng career-high 53 points kasama ang 18 sa fourth quarter at overtime sa 145-136 pagdaig ng Celtics (27-26) sa Minnesota Timberwolves (13-40).

Sa Orlando, tumipa si Aaron Holiday ng 20 points at nagtala si Domantas Sabonis ng 16 points, 15 rebounds at 6 assists sa 111-106 pagwawagi ng Indiana Pacers (24-27) sa Magic (17-35).

Sa New York, umiskor si RJ Barrett ng 20 points para tulungan ang Knicks (26-27) sa 133-129 overtime win sa Memphis Grizzlies (26-24).

Sa Atlanta, kumamada si Trae Young ng 42 points sa 120-108 pagdagit ng Hawks (28-25) sa Chicago Bulls (22-29).

HAWKS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with