^
6 national surfers tatarget ng Olympic berth sa El Salvador
Daisy Valdez
Andy Zapata Jr.

6 national surfers tatarget ng Olympic berth sa El Salvador

Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - April 11, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Matapos ang kabiguan ng mga national windsurfers, ang mga surfers naman ang maghahangad ng tiket para sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan.

Isang six-man national team ang isasabak ng United Philippine Surfing Association (UPSA) sa pinakahuling Olympic qualifying tournament sa El Sunzal, El Salvador.

Nakatakda ang ISA World Surfing Games sa Mayo 29 hanggang Hunyo 6.

Ang koponan ay binubuo nina 2019 Southeast Asian Games gold medalist Nilbie Blancada, SEA Games bronze me­dalist Daisy Valdez, SEA Games silver medalist Jay-R Esquivel, SEA Games bronze medalist John Mark ‘Marama’ Tokong at veteran Edito ‘Piso’ Alcala Jr. at tee­nage surfer Vea Estrellado.

Ang anim na national surfers ay sasabak sa shortboard category.

Ang 18-anyos na si Estrellado ng Gubat, Sorsogon ang pinakabatang kinatawan ng Philippine team sa nasabing Olympic qualifying event.

SEA GAMES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with