^
3 groups iho-host ng Clark sa June 16-20
Base sa inilabas na schedule ng FIBA, lalaruin sa Clark ang Group A na kinabibilangan ng Gilas Pilipinas kasama ang Group B at Group C.
STAR/ File

3 groups iho-host ng Clark sa June 16-20

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - April 11, 2021 - 12:00am

FIBA Asia Cup qualifiers

MANILA, Philippines — Hindi lang isa kundi tatlong grupo ang iho-host ng Pilipinas sa FIBA Asia Cup Qualifiers na idaraos sa Hunyo 16 hanggang 20 sa Clark, Pampanga.

Base sa inilabas na schedule ng FIBA, lalaruin sa Clark ang Group A na kinabibilangan ng Gilas Pilipinas kasama ang Group B at Group C.

“Organized in protected environment tournaments in order to ensure the health and safety of all participants, these games will determine the ten teams that will join Bahrain and Lebanon, already qualified for the event,” ayon sa FIBA.

Kasama ng Gilas Pilipinas sa Group A ang South Korea, Indonesia, at Thailand habang nasa Group B naman ang China, Japan, Taiwan at Malaysia.

Lalaro sa Group C ang Australia, New Zealand, Guam at Hong Kong.

Magsisilbing official ve­nue ang Angeles University Foundation (AUF) Sports & Cultural Center sa Angeles, Pampanga habang sa Quest Hotel naman ang official residence ng lahat ng mga delegado.

Nangunguna ang Pilipinas sa Group A tangan ang malinis na 3-0 karta. Kaila­ngan na lamang ng Gilas Pilipinas ng isang panalo upang pormal na makahirit ng tiket sa FIBA Asia Cup na gaganapin sa Agosto sa Jakarta, Indonesia.

Tatlong laro ang pagdaraanan ng Gilas Pilipinas — dalawa laban sa South Korea at isa naman kontra Indonesia.

Sa Amman, Jordan naman idaraos ang mga laro sa Group E at F.

FIBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with