^

PBA-China friendly suportado ni MVP

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - April 11, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Suportado ni business tycoon Manny V. Pa­ngilinan ang planong friendly match sa pagitan ng Philippine Basketball Association (PBA) stars at Chinese national team.

Inihayag ni Pangilinan ang pagsuporta nito sa kanyang social media account.

“Yes to Ricky Vargas’ China friendly,” ani Pa­ngi­linan na siya ring team ow­ner ng PBA teams na Talk ’N Text, NLEX at Meralco.

Inilabas ni PBA chairman at TNT governor Ricky Vargas ang ideya nito na magharap ang PBA stars at Chinese squad upang magsilbing pampalabok bago simulan ang Season 46.

“A bit of an oxymoron nowadays. But hey, if it helps break the pressure and provide relief to our people, let’s go PBA,” ani Pangilinan na chairman emeritus ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP).

Nais ni Vargas na si NLEX head coach Yeng Guiao ang humawak sa PBA-select team.

“My wish is a best-of-7 Phil Sea Cup Championship between China and select players of PBA warriors Coach by Yeng Guiao. Sama ako (count me in) anywhere friendlies,” ani Vargas.

Naging usap-usapan ito dahil sa inilabas ni Vargas na birthday wishes para sa PBA na nagdiwang ng ika-46 kaarawan noong Biyernes.

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with