^

Salpukang Ancajas-Rodriguez ngayon na!

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - April 10, 2021 - 6:36pm

MANILA, Philippines — Dedepensahan ni International Boxing Federation (IBF) super flyweight champion Jerwin Ancajas ang titulo nito laban kay Mexican Jonathan Rodriguez ngayong araw sa Mohegan Sun Arena sa Uncasville, Connecticut.

Magtutuos sina Ancajas at Rodriguez sa alas-9 ng umaga (oras sa Maynila).

Sa official weigh-in kahapon sa Mohegan, pasok na pasok sa timbang si Ancajas (32-1-2, 22 KOs) na nagtala ng bigat na 114.8 lbs. habang nagrehistro naman si Rodriguez (22-1, 16 KOs) ng eksaktong 115 pounds.

Handang-handa na si Ancajas na ilabas ang lahat ng alas nito matapos ang mahigit isang taon na pagkakaantala ng kanyang laban dahil sa pandemya.

“Sobrang tagal kong hinintay ang laban na ito kaya excited na po ako. Gigil na gigil na akong lu-maban. Alam kong pareho kaming gutom pero mas gutom ako na madepensahan ang titulo ko,” ani Ancajas.

Excited na si Ancajas na maipagtanggol ang kanyang titulo dahil ito ang magsisilbing tiket nito para sa mas malalaking laban.

Posibleng magbukas ito sa unification bout kontra sa matitikas na boksingero sa kanyang dibisyon.

“Yun naman po ang main goal lalo na hawak natin ang titulo. Parang magiging daan pa ang panalo ko para sa mas malalaking title fights,” ani Ancajas.

Aminado si Ancajas na preparado rin ang kampo ni Rodriguez.

Maganda ang rekord nito at sumailalim din sa pukpukang ensayo.

Subalit handa na ang game plan nito para sa Mexican fighter.

“Napag-aralan na namin ang galaw niya, yung style niya. Kailangan na lang na ma-execute du-ring the fight. Nakikita ko sa kanya na gusto niyang manalo sa akin, kaya mas lalo akong pursigido na madepensahan yung title,” ani Ancajas.

Ito ang unang pagkakataon na sasalang si Ancajas sa isang bubble setup.

Aminado itong iba pa rin ang pagkakataong lumaban sa harap ng maraming fans dahil nakadaragdag ito ng inspirasyon sa tuwing lumalaban ito.

Subalit handa na ang mindset ni Ancajas sa ganitong sitwasyon.

IBF
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with