National athletes ‘ipapaampon’ sa mga LGUs
MANILA, Philippines — Gagawin ng Philippine Sports Commission (PSC) ang lahat para maibigay ang solidong suporta sa mga national athletes na naghahanda para sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam sa Nobyembre.
“Despite many uncertainties, the national team can be certain that we are working very hard to make sure they are prepared to defend our title,” ani PSC Commissioner at Southeast Asian Games Chef de Mission Ramon Fernandez kahapon.
Plano ng PSC na makipagtambal sa mga Local Government Units (LGUs) na ‘aampon’ sa mga national teams na magsasanay sa kanilang lugar.
Ito ang ginawa sa mga national fencers at archers na kasalukuyang nasa ‘bubble’ training sa Ormoc City at Dumaguete City, ayon sa pagkakasunod.
Hirap ang mga atleta na makapag-ensayo dahil sa ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila at apat pang karatig na probinsya dahil sa paglobo ng mga kaso ng nagpopositibo sa COVID-10.
“We are talking of almost a thousand athletes so putting them in one bubble would not be viable,” sabi ni PSC National Training Director Marc Velasco.
Nauna nang pumasok sa ‘bubble’ training ang mga national teams ng boxing, taekwondo at karatedo sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.
Ngunit bago mangyari ang ‘bubble’ training ng mga national teams sa mga LGUs ay kailangan munang makakuha ang sports agency ng ‘go signal’ mula sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).
- Latest