_ngayon
^

PSN Palaro

Jazz umukit ng NBA record sa 3s

Pilipino Star Ngayon
Jazz umukit ng NBA record sa 3s
Umasinta ng tres si Jazz guard Donovan Mitchell laban sa Magic
STAR/ File

Sa pagpapatumba sa magic

SALT LAKE CITY — Tumipa si star guard Donovan Mitchell ng 22 points at nagtala ang Utah Jazz ng NBA record na 18 three-pointers sa first half para sa kanilang 137-91 pagdomina sa Orlando Magic.

Nagdagdag sina Joe Ingles at Bojan Bogdanovic ng tig-17 para sa Jazz (38-11).

Binanderahan ni Wendell Carter Jr. ang Magic (17-32) sa kanyang 19 points at 12 rebounds  habang may 16 markers si Chuma Okeke.

Sa Philadelphia, humakot si center Joel Embiid ng 24 points at 8 rebounds at may 32 markers si Tobias Harris para imando ang 76ers (34-15) sa 122-113 pagpulutan sa Minnesota Timberwolves (12-38).

Sa Sacramento, humataw si Jrue Holiday ng season-high 33 points bukod sa 11 assists at 7 rebounds para igiya ang Giannis Antetokounmpo-less Milwaukee Bucks (32-17) sa 129-128 paglusot sa Kings (22-28).

Sa Portland, nagtala si CJ McCollum ng 20 points para pamunuan ang walong Trail Blazers (30-19) sa double figures sa kanilang 133-85 pagmasaker sa Oklahoma City Thunder (20-29).

Sa Washington, nag­lista si Luka Doncic ng 26 points at inangkin ng Dallas Mavericks (27-21) ang 109-87 tagumpay sa Wizards (17-31).

Sa Miami, kumolekta si Bam Adebayo ng 18 mar­kers, 11 boards at 5 assists sa 115-101 pagsunog ng Heat (26-24) sa Cleveland Cavaliers (17-32).

Sa Detroit, humugot si Julius Randle ng 20 sa kanyang 29 points sa first quarter para ihatid ang New York Knicks (25-25) sa 125-81 panalo sa Pistons (14-35).

Sa San Antonio, tumipa si Caris LeVert ng 26 points para sa 139-133 overtime win ng Indiana Pacers (22-26) sa Spurs (24-23).

MAGIC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with