_ngayon
^

PSN Palaro

The end...

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Mukhang sisibat na lang si Bobby Ray Parks at iiwan ang PBA.

Hahanapin daw niya ang peace of mind sa ibang lugar. At baka sa Japan niya ito makita.

Sabi ng anak ng yumaong PBA Best Import Bobby Parks, misunderstood siya lalu na ng mga fans.

Tinawag siyang prima donna o feeling superstar.

Well, pang superstar naman talaga ang kalibre ni Bobby Ray. Kahit saan team mo ilagay, pasok ang style niya.

Sayang lang at humantong sa ganito ang negotiations niya sa TNT Tropang Giga.

“Super max” naman daw ang binigay sa kanya ng team ni Manny V. Pangilinan.

Pero hindi niya ito tinanggap.

Eh baka nga mas higit pa sa “super max” ang gusto niya at hindi niya ito makukuha sa Pilipinas.

Pwede siya as import sa Japan o Indonesia. Doon pwede siyang humingi ng kontrata na mas malaki sa PBA.

May problema rin si Bobby Ray sa pamilya at gusto niyang alagaan ang kanyang ina sa America.

Nasa Pinas pa siya at oras na lumuwag daw ang sitwasyon ay aalis na siya.

Ibang usapan na kapag family matters kaya respe­tuhin natin ang kalagayan niya.

Good luck, Bobby Ray.

BOBBY RAY PARKS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with