^

Sotto out muna sa Calambubble

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - March 21, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi muna masisila­yan sa aksyon si Kai Sotto sa training camp ng Gilas Pilipinas pool sa Ins­pire Sports Academy sa Calamba, Laguna.

Ito ang inihayag ni Sa­mahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) special assistant to the president Ryan Gregorio matapos makausap ang kampo ng 7-foot-3 cager.

Ayon kay Gregorio, mas minabuti ni Sotto na manatili na lamang muna sa Amerika dahil sa mahigpit na patakarang ipinatutupad bunsod ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Inihahanda rin ng grupo ni Sotto ang sunod na magiging hakbang nito matapos maudlot ang pagsabak nito sa NBA G League kasama sana ang Ignite.

Pinaplano na ng kampo ni Sotto ang mga susunod na gagawin nito ngunit nagpasya ang grupo ng dating UAAP Juniors MVP na huwag muna itong isiwalat sa publiko.

Kaya naman hindi na muna masisilayan si Sotto sa anumang training camp ng Gilas Pilipinas pool na naghahanda para sa dalawang malalaking torneong lalahukan nito sa Hunyo.

Nasa puspusang pag­hahanda ang Gilas Pilipinas pool sa Calambubble para paghandaan ang FIBA Asia Cup Qualifiers at FIBA Olympic Qualifying Tournament.

SBP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with