^
Gilas Pilipinas out muna sa PBA Philippine Cup
Ayon kay SBP president Al Panlilio, magiging problema ang schedule ng Gilas Pilipinas dahil magi­ging pukpukan na ang ensayo ng koponan para sa tatlong malalaking torneong lalahukan nito.
FIBA

Gilas Pilipinas out muna sa PBA Philippine Cup

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - March 16, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagpasya ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na huwag nang isalang ang Gilas Pilipinas sa buong season ng PBA Season 46 Philippine Cup.

Ayon kay SBP president Al Panlilio, magiging problema ang schedule ng Gilas Pilipinas dahil magi­ging pukpukan na ang ensayo ng koponan para sa tatlong malalaking torneong lalahukan nito.

Unang lalahukan ng Gilas Pilipinas ang FIBA Asia Cup Qualifiers sa Hunyo sa Clark, Pampanga kasunod ang FIBA Olympic Quali­fying Tournament sa Hunyo 29 sa Belgrade, Serbia.

Sasabak din ang Gilas Pilipinas sa FIBA  Asia Cup proper sa Agosto sa Jakarta, Indonesia.

Nais ng SBP na ituon ang atensiyon sa training ng Gilas Pilipinas imbes na lumahok ng full season sa Philippine Cup na una nang plano para sa Pinoy cagers.

Muling papasok sa training bubble ang Gilas Pilipinas sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.

Matapos nito, plano ng SBP na ituloy ang pocket tournament kung saan iimbitahan ang dalawang PBA teams at ilang international teams para magsilbing tune-up ng Gilas Pilipinas.

Kabilang din sa plano ang pagsabak ng Gilas Pilipinas sa ilang laro sa PBA ngunit magsisilbi lamang itong exhibition games at hindi makaaapekto sa standings ng koponang makakalaban ng tropa.

Target din ng SBP na maglaro sa labas ng bansa ang Gilas Pilipinas para mas lalong mahasa ang koponan bago sumabak sa nakalinyang torneo.

“We might go out internationally for some competition to practice the team. It might be difficult for us to really join the PBA tournament,” ani Panlilio.

Kailangan ng Gilas Pilipinas ng sapat na exposure lalo pa’t Gilas Cadets ang bubuo sa koponan tampok si Kai Sotto na inaasa­hang babalik sa bansa para magsanay.

Umaasa rin ang SBP na aabot ang naturalization papers ni Ivorian Angelo Kouame upang makatulong sa Gilas squad.

GILAS PILIPINAS SBP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with