^
Basbas ng mother teams hihingin ng SBP para sa Gilas 3x3 squad
SBP president Al Panlilio
STAR/ File

Basbas ng mother teams hihingin ng SBP para sa Gilas 3x3 squad

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - March 15, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hihilingin ng Sama­hang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa mga PBA teams na payagan ang mga 3x3 players na huhugutin para sa FIBA 3x3 Olympic Qualifying Tournament na idaraos  sa Mayo 26 hanggang 30 sa Graz, Austria.

Nangunguna na sa listahan sina CJ Perez at Mo Tautuaa ng San Miguel Beer gayundin sina Joshua Munzon, Alvin Pasaol at Santi Santillan.

Ayon kay SBP president Al Panlilio, makiki­pag-usap ang asosasyon sa kani-kanyang mother teams upang pahintulutang makapag-ensayo ang koponan para sa qualifiers.

“We need to work with the league for them to be able to participate,” ani Panlilio.

Mga 15 araw na ma­wawala ang mga players sa kani-kanyang koponan kung saan nakapaloob sa schedule ang aktuwal na kumpetisyon at ang preparasyon ng koponan.

Sa oras na matapos na ang qualifiers, agad na magbabalik ang mga players sa kanilang mother clubs upang makasama sa PBA Season 46 Philippine Cup.

“The federation will have to borrow them from their respective mother teams for practice,” ani  pa ni Panlilio.

Nauna nang nakatakda ang qualifiers noong Marso ng nakaraang taon sa Bangalore, India ngunit naudlot ito sa dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Ang qualifiers ang magiging tulay upang makahirit ng tiket sa Tokyo Olympics na idaraos sa Hulyo sa Japan.

SBP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with