^
PBA players out muna sa Gilas Pilipinas
to ang inihayag ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) kahapon matapos ang ilang araw na pakikipagpulong nito sa pamunuan ng PBA.
STAR/ File

PBA players out muna sa Gilas Pilipinas

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - March 10, 2021 - 12:00am

Para sa FIBA ACQ/OQT...

MANILA, Philippines — Walang players mula sa PBA ang isasama sa Gilas Pilipinas lineup na isasabak sa FIBA Olympic Qualifying Tournament at FIBA Asia Cup Qualifiers.

Ito ang inihayag ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) kahapon matapos ang ilang araw na pakikipagpulong nito sa pamunuan ng PBA.

Nais ng SBP na bigyan ng pagkakataon na mahasa ng husto ang mga miyembro ng Gilas Cadets bilang bahagi ng longterm program nito partikular na sa hosting ng Pilipinas ng FIBA World Cup sa 2023.

Maliban sa kasaluku­yang members ng Gilas Cadets, isasama rin sa koponan ang mga makukuha sa special draft sa Gilas Pilipinas na sasalang sa dalawang malaking torneo.

Isa pang dahilan ng SBP ang schedule dahil tatamaan ang dalawang FIBA tournaments ng PBA Season 46 Philippine Cup.

Idaraos sa Hunyo ang third window ng FIBA Asia Cup Qualifiers sa Clark, Pampanga habang sa Hun­yo 29 hanggang Hulyo 4 naman ang FIBA Olympic Qualifying Tournament na idaraos sa Belgrade, Serbia.

Target naman ng PBA na magdaos ng dalawang kumperensiya sa taong ito — ang Philippine Cup at Governors’ Cup.

Ang Philippine Cup ay tatakbo ng apat na buwan habang ang Governors’ Cup ay idaraos sa loob ng lima hanggang anim na buwan.

Isang import lamang ang papayagan sa Govenors’ Cup na magkakaroon ng double-round robin format sa eliminasyon.

Puntirya ring simulan ang PBA 3x3 tournament sa Abril 11 tampok ang 12 hanggang 16 koponang maglalaban-laban para sa titulo.  

SBP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with