^
Ravena, Valdez sweet sa Boracay
Ravena at Valdez
Instagram/kieferravena15

Ravena, Valdez sweet sa Boracay

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - March 8, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagkaroon ng pagkakataon sina NLEX Road Warriors star Kiefer Ravena at Creamline Cool Smashers team captain Alyssa Valdez para makapagbakasyon sa Boracay.

Out muna sa training ang dalawa upang bigyan ng pagkakataon ang kanilang sarili para makapag-relax sa mala-paraisong isla.

Kitang magkasama sina Ravena at Valdez sa bakasyon para makapagpahinga at lumanghap ng sariwang hangin sa pamosong beach.

“Back where it all started. To more waves and sunsets,” ayon sa post ni Ravena.

Maliban kina Ravena at Valdez, kasama rin sa Boracay trip sina Baser Amer ng Blackwater at kasintahan nitong si Justine Balgan.

Ito ang unang bakas­yong grande kay Ravena matapos ang dalawang bubble na pinasukan nito.

Kasama si Ravena ng NLEX Road Warriors sa kampanya nito sa PBA Season 45 Philippine Cup na ginanap sa bubble setup sa Clark, Pampanga noong nakaraang taon.

Panibagong bubble na naman ang pinasukan ni Ravena noong Pebrero nang magsanay ang Gilas Pilipinas sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna para paghandaan ang FIBA Asia Cup Qualifiers.

ALYSSA VALDEZ KIEFER RAVENA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with