^

Greg maaasahan ng Batang Pier

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - March 8, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Handa si Greg Slaughter na ilabas ang lahat ng alas nito upang tulungan ang NorthPort sa kam­panya nito sa PBA Season 46 Philippine Cup.

Papasok sa bagong tahanan si Slaughter matapos itong i-trade ng Barangay Ginebra sa NorthPort kapalit ni Christian Standhardinger.

Malaki ang pasasalamat nito sa pamunuan ng San Miguel Corporation sa mahabang panahon na pangangalaga sa kanya.

At umaasa si Slaughter na madadala nito ang magandang karanasan sa kampo ng Batang Pier.

“I still have my best basketball ahead of me. I have so much left to give the game and just as blessed as ever to play the game I love in front of all the fans who have been with me through it all, no matter what jersey I wear,” ani Slaughter.

Sa kabilang banda, nagpasalamat din si Standhardinger sa lahat ng bumubuo sa Batang Pier na nakasama rin nito ng dalawang taon.

Excited na si Standhardinger na makasama ang Gin Kings sa title defense nito sa Philippine Cup.

Mainit na nagbigay ng welcome message si Gin Kings head coach Tim Cone para kay Standhardinger na itinuturing nitong dagdag na puwersa sa kanilang koponan.

“We welcome C-Stand to the Ginebra family. I think the Gin fans will appreciate his style of play,” ani Cone.

GREG SLAUGHTER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with