_ngayon
^

PSN Palaro

Pacquiao tuloy lang sa training

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Wala namang pakialam si eight-division world champion Manny Pacquiao sa paramdam ni undefeated American fighter Floyd Mayweather Jr. dahil abala ito sa kanyang trai­ning camp.

Tuluy-tuloy lang ang ensayo ni Pacquiao para sa nakatakdang pagba­balik-aksyon nito matapos ang mahigit isang taong pagkakatengga.

Sa kanyang post sa social media, muling nagpatikim si Pacquiao ng ginagawa nitong training.

Sa oras na makumpleto ang conditioning nito, inaasahang itataas na ang lebel ng kanyang ensayo.

Bagama’t wala pang pormal na anunsiyo ng kanyang makakalaban, nais ni Pacquiao na lubos na maihanda ang katawan nito dahil napaulat na Mayo ang posibleng laban.

Matunog ang pangalan ni dating world champion Mikey Garcia sa makakalaban ng Pinoy pug.

Isiniwalat ni Garcia na gumugulong ang negosasyon para matuloy ang laban na target ganapin sa Middle East.

Sa oras na magkapirmahan ng kontrata, inaasahang maglalabas ng statement ang kampo ni Pacquiao para pormal na ihayag ang pagbabalik sa ring nito.

PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with