^
Stan sa Ginebra, Greg sa Northport
Christian Standhardinger
STAR/File

Stan sa Ginebra, Greg sa Northport

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - March 6, 2021 - 12:00am

Blockbuster trade!

MANILA, Philippines — Isa na namang blockbuster trade ang gumulantang kahapon matapos ibigay ng NorthPort Batang Pier si Christian Standhardinger sa Barangay Ginebra San Miguel kapalit ni Greg Slaughter.

Aprubado ng Philippine Basketball Association (PBA) ang naturang trade.

Kababalik lang ni Slaughter matapos ang ilang buwan na pahinga.

Sariwa pa ang 7-foot-0 Cebuano sa pagpirma ng bagong kontrata sa Gin Kings noong nakaraang buwan matapos maki­pagkasundo sa San Miguel Corporation management.

Walong taon din itong nanatili sa kampo ng Barangay Ginebra kung saan naging bahagi ito ng apat na kampeonato ng tropa.

Naging Best Player of the Conference pa ito noong 2017 Governors’ Cup.

Sa kanyang huling season sa Gin Kings, nagtala si Slaughter ng averages na 9.78 points at 6.43 rebounds.

Hindi naman pahuhuli ang credentials ni Standhardinger.

Naging Best Player of the Conference din ito noong 2019 Governors’ Cup kung saan tinulungan nito ang Batang Pier na makapasok sa semifinals.

Sa nakalipas na PBA Season 45 Philippine Cup, nakapagtala si Standhardinger ng impresibong 19.9 points, 12.0 rebounds, 3.8 assists at 1.3 steals per game para sa Batang Pier.

May dalawang kampeonato si Standhardinger kasama ang San Miguel Beer bago ito na-trade ng Beermen sa Batang Pier noong Oktubre 14, 2019 kapalit ni Mo Tautuaa.

Kaya naman malaking tulong si Standhardinger sa target ng Gin Kings na maitarak ang back-to-back sa Philippine Cup.

Galing ang Barangay Ginebra sa matamis na kampeonato sa Philippine Cup na ginanap sa isang bubble setup sa Clark, Pampanga noong nakaraang taon.

Base sa records, balanse ang trade sa pa­nanaw ng ilang eksperto.

Parehong top pick overall sina Slaughter at Standhardinger.

Samantala, matapos magretiro, nagdesisyon si Kelly Williams na magbalik-aksyon matapos pumirma ng sariwang dalawang taon na kontrata sa Talk ’N Text Tropang Giga.

Magugunitang nagdesisyon si Williams na magretiro na noong Setyembre ng nakaraang taon.

“Welcome home Kelly, great to have you back. Cheers,” ani TNT governor Ricky Vargas

CHRISTIAN STANDHARDINGER GREG SLAUGHTER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with