^
Daquis excited na sa PVL homecoming
Rachel Anne Daquis
Philippine Superliga/Roman Prospero

Daquis excited na sa PVL homecoming

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - March 6, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Masaya si Cignal HD Spikers outside hitter Rachel Anne Daquis sa pagbabalik nito sa Premier Volleyball League (PVL) na liga kung saan una itong nakilala ng husto.

Naging bahagi na si Daquis ng ilang mga u­nang edisyon ng Shakey’s V-League ang dating pa­ngalan ng PVL.

Nagpasya ang pamunuan ng Cignal na lumipat sa PVL mula sa dating liga nitong Philippine Superliga.

Kaya naman hindi maitago ni Daquis ang excitement nito nang malamang lilipat ang HD Spikers sa PVL — ang kauna-una­hang professional volleyball league sa bansa.

“As we all know, doon talaga ako nag-start sa Shakey’s V-League. I’m r­eally excited about the upcoming season. Ang dami na namin naririnig like lilipat kami sa PVL, pero wala talagang confirmation na talagang doon na kami,” ani Daquis sa programang The Game.

Itinanghal na Most V­a­luable Player si Daquis sa Shakey’s V-League Season 11 Open Confe­rence habang naging Finals MVP ito noong Season 8 Open Conference at Season 11 First Conference. Nagpasalamat ito sa PSL na dahil marami rin itong magagandang karanasan sa naturang liga.

Naging ambassador si Daquis ng PSL noong 2018 at itinanghal na 2015 PSL All-Filipino Confe­rence Finals MVP.

RACHEL ANNE DAQUIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with