^
Maizo-Pontillas sa Sta. Lucia na!
Aiza Maizo-Pontillas
STAR/File

Maizo-Pontillas sa Sta. Lucia na!

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - March 6, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Habang abala ang ibang koponan sa pagdaragdag ng players, nagpalakas din ang Sta. Lucia Realtors matapos kunin ang serbisyo ni Aiza Maizo-Pontillas.

Malalim ang karanasan ni Maizo-Pontillas na miyembro ng University of Santo Tomas na nagkampeon sa UAAP at ilang taon ding naging bahagi ng Petron Blaze Spikers na nagreyna sa Philippine Superliga.

“The instruction from Sta. Lucia’s team owner was clear: Get someone who can score at will. And who fits that description to a T? None other than one of Philippine volleyball’s queens, Aiza Maizo-Pontillas,” ayon sa statement ng Sta. Lucia Realtors sa mga social media accounts nito.

Masaya ang Lady Realtors sa pagpasok ni Maizo-Pontillas sa kanilang koponan dahil magdaragdag ito ng malakas na puwersa para sa tangkang makahirit ng kampeonato.

“We are proud and excited to welcome you into the team, Aiza! Your leadership, skills, and character will be a boost to our 2021 campaigns! Let’s get it!,” ayon pa sa Sta. Lucia Realtors.

Nagpasya si Maizo-Pontillas na lumipat sa Lady Realtors matapos magdesisyon ang Petron na magsumite ng “leave of absence” sa PSL dahil sa pandemya.

Maningning ang pa­ngalan ni Maizo-Pontillas sa volleyball.

Nasungkit nito ang PSL All-Filipino Most Valuable Player noong 2017 habang makailang beses itong itinanghal na Best Opposite Spiker.

Makakatuwang ni Maizo-Pontillas sa ratsada ng Lady Realtors si middle blocker Mika Reyes na teammate nito sa Blaze Spikers.

AIZA MAIZO-PONTILLAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with