^
Cone pararangalan ng PBA Press Corps
Tim Cone
PBA media bureau

Cone pararangalan ng PBA Press Corps

(Pilipino Star Ngayon) - March 6, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dahil sa kanyang pag­hatid sa Barangay Ginebra sa korona ng 2020 PBA Philippine Cup ay ibibigay kay head coach Tim Cone ang Outstanding Coach of the Bubble award ng PBA Press Corps sa virtual Awards Night bukas sa TV5 Media Center.

Tinalo ng Gin Kings ang TNT Tropang Giga, 4-1, sa kanilang best-of-seven championship series sa Angeles University Foundation gym sa Pampanga.

Nagawa ito ni Cone at ng Ginebra bagama’t hindi nakasama ng Ginebra sa ‘bubble’ tournament si center Greg Slaughter bukod pa sa kakulangan sa kondisyon nina LA Tenorio at Japeth Aguilar.

Makakasama ni Cone sa center stage si 2019 Baby Dalupan Coach of the Year  winner Leo Austria ng San Miguel sa special two-in-one awards night na inihahandog ng Cignal TV at ipapalabas sa PBA Rush sa Marso 8.

TIM CONE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with