^

Team Philippines puwede na mag-training sa New Clark City

Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - March 6, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Maaari nang simulan ng mga national athletes na sasabak sa 31st Southeast Asian Games ang kanilang pagsasanay sa mga qua­rantine facilities sa New Clark City sa Capas, Tarlac at sa Clark Freeport Zone sa Pampanga.

Sa kanyang sulat sa Department of Health (DOH) ay pinababakante ni testing czar at Bases Conversion and Development Authority (BCDA) president at chief executive officer Vince Dizon ang nasabing mga quarantine centers sa Marso 31.

Ang nasabing mga pasilidad ang siyang magiging training camp ng Team Phi­lippines na lalahok sa 2021 SEA Games sa Hanoi, Vietnam sa Nobyembre.

“Please be informed that we are set to cease o­perations of the quarantined facilities located within the New Clark City and Clark Freeport Zone by Mar. 31,” ani Dizon sa kanyang liham kay DOH Secretary Francisco Duque III.

Sa naturang venues inihatid ng gobyerno ang halos 14,000 pasyente ng coronavirus disease (COVID-19) kasama ang 3,600 OFWs.

Sa New Clark City idinaos ang ilang sports events ng 2019 SEA Games na pinagharian ng Team Philippines.

“This will provide ample time for BCDA to prepare our facilities for the trai­ning bubble of our national athletes at the Aquatics Center and Athletics Stadium, which will start on Apr. 15. The said training bubble shall be conducted in preparation for the 2021 Vietnam SEAG,” ani Dizon.

Ang naturang mga pasilidad ay inaasahang gagamitin ng mga national teams ng track and field, aquatics at triathlon bilang paghahanda sa 2021 Vietnam SEA Games.

SEA GAMES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with