^
76ers âdi maawat sa pananalasa
Dumakdak si 76ers star player Joel Embiid sa fourth quarter laban sa Jazz.
STAR/ File

76ers ‘di maawat sa pananalasa

(Pilipino Star Ngayon) - March 5, 2021 - 12:00am

Jazz tinakasan sa overtime

PHILADELPHIA  — Nagposte si Joel Embiid ng 40 points at 19 rebounds habang humugot si Tobias Harris ng 11 sa kanyang 22 markers sa overtime para tulungan ang Eas­tern Conference-leading 76ers sa 131-123 panalo sa West-leading Utah Jazz.

Nagdagdag si Ben Simmons ng 17 points para sa Philadelphia (24-12).

Pinamunuan ni Donovan Mitchell ang Utah (27-9) sa kanyang 33 points kasunod ang tig-18 mar­kers nina Mike Conley at Bojan Bogdanovic.

Sa Sacramento, umiskor si Buddy Hield ng 29 points sa 123-120 paglusot ng Kings (14-21) sa nagdedepensang Los Angeles Lakers (24-13).

Sa Houston, kumo­lekta si star guard James Harden ng triple-double na 29 points, 10 rebounds at 14 assists para pamunuan ang Brooklyn Nets (24-13) sa 132-114 pagdaig sa Rockets (11-23).

Sa Portland, tumipa sina Damian Lillard at Carmelo Anthony ng tig-22 markers sa 108-106 pagtakas ng Trail Blazers (20-14) sa Golden State Warriors (19-17).

Sa Dallas, humakot si Kristaps Porzingis ng 19 points at 13 rebounds para akayin ang Mavericks (18-16) sa 87-78 tagumpay sa Oklahoma City Thunder (14-21).

Sa Orlando, kumamada si Trae Young ng 32 points para tulungan ang Atlanta Hawks (16-20) na kunin ang 115-112 panalo sa Magic (13-23).

UTAH JAZZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with