^
Pacquiao-Garcia na nga ba?
Mikey Garcia
STAR/ File

Pacquiao-Garcia na nga ba?

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - March 5, 2021 - 12:00am

Mikey not Ryan...

MANILA, Philippines — Si dating world champion Mikey Garcia na nga ba ang makakasagupa ni eight-division world champion Manny Pacquiao sa kanyang susunod na laban?

Nagpatikim si Garcia ng ilang makahulugang pahayag kung saan isiniwalat nitong pinaplantsa na ang lahat upang matuloy ang laban nito kay Pacquiao.

Ayon kay Garcia, ilan sa mga inaayos ng mag­kabilang kampo ang venue na pagdarausan at eksaktong petsa ng laban.

Target itong ganapin sa Mayo sa Middle East base sa mga naunang ulat na lumabas.

“We’re finalizing all of the details. We hope to get the exact date and location in the next few days. We’re trying to get everything done for May,” ani Garcia sa panayam ni Jo Anklin.

Isiniwalat pa ni Garcia na matagal nang nag-uusap ang kanyang grupo at ang kampo ni Pacquiao na nagsimula noon pang nakaraang taon.

Kaya naman masaya ito dahil ilang detalye na lamang ang pinaplantsa para matuloy ang laban.

“It’s been in the works for a long time, particularly more in detail in the last year. Now in the last few weeks, we’ve been getting very close to working on this and finalizing it,” kuwento pa ni Garcia.

Sa oras na maayos na ang lahat, inaasahang maglalabas na ang kampo ni Pacquiao ng official statement para sa laban.

Excited na si Garcia dahil pangarap nitong makaharap ang Pinoy boxing legend.

“I’m pretty excited. We’ll have all the details set in the next few days. It’s a matter of time. So far, it seems like all the parties are in board. I’m excited for it,” ani Garcia.

Habang naghihintay ng pormal na anunsiyo, tuluy-tuloy ang ensayo ni Garcia upang masiguro na handang-handa ito bago ang laban.

MIKEY GARCIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with