^
Marcial hinirang na Mr. Executive ng PBAPC
PBA Commissioner Willie Marcial
Jun Mendoza/File

Marcial hinirang na Mr. Executive ng PBAPC

Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - March 5, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Walang iba kundi si PBA Commissioner Willie Marcial ang gagawaran ng Mr. Executive award ng PBA Press Corps sa virtual Awards Night sa Linggo sa TV5 Media Center.

Pinangunahan ni Marcial ang 500-plus league delegation para sa pagdaraos ng 2020 PBA Philippine Cup sa ‘bubble’ sa Clark, Pampanga sa restart ng 45th season.

Si Marcial ang isa sa mga major awardees sa hour-long event na inihahandog ng Cignal TV at isasaere sa Marso 8 sa PBA Rush.

Maliban kay Marcial, tatanggapin ang 2019 traditional  Danny Floro Exe­cutive of the Year award, parara­ngalan din si PBA Chairman Ricky Vargas. Papangalanan din ang Outstanding Coach of the Bubble.

Ang 12 teams ang gagawaran ng ‘bubble’ President’s Award kasama si 2019 winner Vergel Me­neses, ang Bulakan, Bulacan Mayor at isa sa 25 Greatest Players sa league history.

Si San Miguel mentor Leo Austria ang tatanggap ng 2019 Baby Dalupan Coach of the Year trophy at kay NorthPort veteran Sean Anthony ang 2019 Defensive Player of the Year.

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with