^

Brazilian coach target ng PNVFI

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - March 5, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Plano ng Philippine National Volleyball Federation Inc. (PNVFI) na kumuha ng foreign coach na hahawak sa training program ng women’s national volleyball team.

Ito ang plano ng asosasyon upang mapalakas ang women’s team na sasabak sa iba’t ibang international tournaments partikular na sa Southeast Asian Games.

Isang Brazilian coach ang nais hugutin ng PNVFI na inaasahang darating sa bansa sa oras na maayos ang kontrata nito.

Pinakamatagal na ang Hulyo sa petsa ng pagdating nito dahil paghahandaan ng Pinay spikers ang SEA Games at iba pang tournaments.

Target ng PNVFI na maibalik sa podium ang women’s team na mahigit isang dekada nang wala sa Top 3 ng women’s volleyball.

Huling nakahirit ng medalya ang Pilipinas sa women’s indoor volleyball noong 2005 nang mag-host ang Pilipinas ng SEA Games volleyball competitions sa Bacolod City.

Naka-ginto naman ang women’s team noong 1993 edisyon ng SEA Games sa Singapore sa pangunguna ni Thelma Barina-Rojas.

Sa kabilang banda, maganda ang itinatakbo ng men’s team na nakasungkit ng pilak na medalya noong 2019 SEA Games kung saan pinataob nito ang powerhouse Thailand sa semifinals para makapasok sa gold-medal match.

Ngunit yumuko ang Pinoy spikers sa Indonesia sa finals para magkasya lamang sa pilak na medalya.

SEA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with