^
Ryan Garcia out na!
Ryan Garcia
STAR/ File

Ryan Garcia out na!

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - March 4, 2021 - 12:00am

Sa listahan ng makakalaban ni Pacquiao

MANILA, Philippines — Out na ang pangalan ni World Boxing Council (WBC) interim lightweight champion Ryan Garcia sa listahan ni eight-division world champion Manny Pacquiao.

Ayon mismo kay Garcia, tuluyan nang naglaho ang pangarap nitong makalaban si Pacquiao sa isang blockbuster fight.

Inilabas ni Garcia ang pahayag nito sa kanyang social media account kung saan ipinaliwanag nitong hindi naikasa ang tinawag nitong ‘dream fight’ laban sa Pinoy champion.

Ipinaliwanag ni Garcia na may ilang bagay na hindi napagkasunduan kaya’t nalungkot ito dahil isa sa pangarap nito ang makaharap ang isang world-class at boxing legend gaya ni Pacquiao.

“To all my fans and supporters, my fight with Manny Pacquiao is not happening right now. I tried my best after getting the call to fight him but it didn’t happen due to some issues,” ani Garcia sa kanyang Instagram story.

Hindi na ibinigay pa ni Garcia ang buong detalye ng mga isyung hindi napagkasunduan.

Kaya naman nais na muna ni Garcia na ituon ang kanyang atensiyon sa kanyang boxing career.

Wala pang kalaban si Garcia ngunit nais na nitong simulan ang paghahanda para masiguro na nasa kundisyon ito sa oras na may maikasang laban para sa kanya.

“I didn’t expect to come up but I’m already working on the next fight. Thank you for all the support,” ani Garcia.

Matatandaang ginulat ni Garcia ang lahat noong Enero nang maglabas ito ng isang poster ng ‘dream fight’ nito kay Pacquiao.

Inamin naman ni Pacquiao na isa si Garcia sa mga ikinukunsiderang kalaban nito para sa kanyang pagbabalik-aksyon.

Wala pang pormal na anunsiyo hanggang sa ngayon kung sino ang makakasagupa ng Pinoy boxer sa kanyang susunod na laban.

WBC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with