^
Pingris may payo kay Abueva
Calvin Abueva
STAR/ File

Pingris may payo kay Abueva

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - March 4, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Masaya si Calvin Abueva sa bagong tahanan nito sa Magnolia Hotshots.

Nakakuha pa ito ng magandang payo mula kay Marc Pingris na isa sa mga nais nitong makasama sa Hotshots.

“Sabi niya ayusin mo na ‘yan. It’s a big opportunity na nandiyan ka. Huwag mo nang pakawalan,” ani Abueva sa programang The Chasedown.

Posibleng magretiro na si Pingris na kasalukuyan pang nagpapagaling sa kanyang injury. Subalit wala pa itong pinal na desisyon.

Umaasa si Abueva na makakasama pa nito si Pingris sa Hotshots.

“Wala pa siyang sinasabi, e. Pero sana nga magkasama kami rito sa Magnolia kahit one season lang bago siya mag-retire. ‘Yun ang wish ko,” ani Abueva.

May pinagsamahan na rin sina Abueva at Pingris dahil nagkasama na ang dalawa sa Gilas Pilipinas.

“Kasi all of us, heads-up kami sa kanya dahil siyempre beterano. ‘Yung ex­perience niya nung nag­lalaro pa siya, iba ‘yun kaysa sa experience namin ngayon,” ani Abueva.

Alam ni Abueva na marami itong matututunan kay Pingris na isa sa may pinaka-malalim na ex­perience sa mga players ng Hotshots.

“At mas maganda kung ma share niya ‘yung ex­perience na ‘yun para naman kami umangat pa kung ano ang dapat na­ming gawin,” aniya.

HOTSHOTS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with