^
Pocket tournament target ng SBP para sa Gilas
Al Panlilio
STAR/ File

Pocket tournament target ng SBP para sa Gilas

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - March 4, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Plano ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na magtaguyod ng pocket tournament para makatulong sa preparas­yon ng Gilas Pilipinas sa dalawang malaking torneong lalahukan nito.

Pinaghahandaan ng Gilas ang FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Hunyo sa Belgrade, Serbia at ang FIBA Asia Cup proper sa Agosto sa Jakarta, Indonesia.

Sinabi ni SBP president Al Panlilio na may ilang bansa na ang nais makaharap ang Gilas Pilipinas sa isang friendly games.

Dahil dito, pinag-aaralan na ng SBP ang posibilidad na magkaroon ng  pocket tournament upang magkaroon ng tsansa ang Gilas Pilipinas na mahasa pa ng husto.

“I think we’re also wil­ling to host it here,” wika ni Panlilio sa panayam ng ABS-CBN news.

Iba pa ito sa planong pagsabak ng Gilas Pilipinas sa PBA Season 46 Philippine Cup na target buksan sa Abril.

Matatandaang inimbitahan ng PBA ang Gilas Pilipinas bilang guest team sa Philippine Cup kung saan may tsansa itong makuha ang titulo ng kumperensiya hindi tulad nang nakalipas na partisipasyon ng national team sa liga.

Ilan sa mga plano ng SBP sa pocket tournament ang pag-imbimbita sa dalawang PBA teams at ilang international teams.

SBP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with