^

Suns sinunogang Lakers

(Pilipino Star Ngayon) - March 4, 2021 - 12:00am

LOS ANGELES, Philippines — Bagama’t nasibak si  star guard Devin Booker sa 7:10 minuto ng third quarter ay nagawa pa rin ng Phoenix Suns na sunugin ang nagdedepensang Lakers, 114-104.

Humugot si Dario Šari? ng 10 sa kanyang 21 points sa fourth period at may 19 markers si Mikal Bridges para pamunuan ang Phoenix (23-11) na nakakuha ng 17 points kay Booker.

Pinamunuan ni LeBron James ang Los Angeles (24-12) sa kanyang 38 points habang may 17 markers si Dennis Schröder.

Sa Boston, tumipa si Kemba Walker ng 25 points para tulungan ang Celtics (18-17) sa 117-112 panalo laban sa Kawhi Leonard-less na Los Angeles Clippers (24-13).

Sa Milwaukee, nagtala si center Nikola Jokic ng 37 points, 11 assists at 10 rebounds para sa kanyang ika-siyam na triple-double at iginiya ang Demver Nuggets (20-15) sa 128-97 paggiba kay Giannis Anteto­koumpo at sa Bucks (21-14).

Sa Miami, humugot si Trae Young ng 13 sa kanyang 18 points sa final canto para sa 94-80 tagumpay ng Atlanta Hawks (15-2) sa Heat (17-18).

Sa Washington, kumamada si Ja Morant na may 35 points at 10 assists at may tig-20 markers sina De’Anthony Melton at Dillon Brooks para sa 125-111 pagdomina ng Memphis Grizzlies (16-15) sa Wi­zards (13-20).

Sa San Antonio, umiskor si Trey Lyles ng season-high 18 points  habang may 17 markers si Dejounte Murray para sa 119-83 pagwawagi ng Spurs (18-13) sa New York Knicks (18-18).

DEVIN BOOKER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with