^
Triple-double ni Harden gumiba sa Spurs sa OT
Nag-unahan sina Nets’ star James Harden at Spurs player Patty Mills sa bola sa aksyong ito sa kanilang laban sa NBA.
STAR/File

Triple-double ni Harden gumiba sa Spurs sa OT

(Pilipino Star Ngayon) - March 3, 2021 - 12:00am

SAN ANTONIO — Tumapos si James Harden na may triple-double sa kanyang 30 points, 15 assists at 14 rebounds para banderahan ang Brooklyn Nets sa 124-113 overtime win laban sa Spurs.

Winakasan ng Brooklyn ang kanilang 17-game losing slump sa San Antonio.

Nagdagdag si Kyrie Irving ng 27 points para sa Nets (23-13) na nagtapos ang eight-game winning streak nang mabigo sa Dallas Mavericks noong Linggo.

Pinamunuan ni DeMar DeRozan ang Spurs (17-13) sa kanyang 22 points at 11 assists habang may tig-19 markers sina Dejounte Murray at Loonie Walker.

Sa New Orleans, humakot si Zion Williamson ng 26 points, 10 rebounds at 5 assists para akayin ang Pelicans (15-19) sa 129-124 paglusot sa NBA-leading Utah Jazz (27-8).

Kumonekta si Bojan Bogdanovic ng pitong three-point shots para tumapos na may game-high 31 points sa panig ng Jazz.

Sa Philadelphia, umiskor si reserve Shake Milton ng 26 points at may 19 markers si Furkan Korkmaz para tulungan ang 76ers (23-12) sa 130-114 paggupo sa Indiana Pacers (15-18).

Sa Orlando, nagtala si Luka Doncic ng 33 points, 10 rebounds at 9 assists habang may 17 markers si Kristaps Porzingis para sa 130-124 panalo ng Dallas Mavericks (17-16) sa Magic (13-22).

Sa Chicago, kumolekta si Nikola Jokic ng 39 points at 14 rebounds para sa 118-112 pagkulong ng Denver Nuggets (19-15) sa Bulls (15-18).

JAMES HARDEN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with